Tuesday, 2025-06-24, 11:18 AM
Welcome Guest | RSS
My site
Main | Tumaas ang kumpiyansa - Forum | Registration | Login
[ New messages · Members · Forum rules · Search · RSS ]
  • Page 1 of 1
  • 1
Tumaas ang kumpiyansa
jeonDate: Tuesday, 2010-11-09, 4:46 AM | Message # 1
Colonel general
Group: Administrators
Messages: 436
Reputation: 0
Status: Offline
FREETHROWS Ni AC Zaldivar (Pilipino Star Ngayon) Updated November 09, 2010 12:00 AM Comments (0) View comments

Isang magandang moral booster para sa defen­ding champion B-Meg Derby Ace ang 104-97 panalong iti­nala nito kontra sa rumaragasa (sanang) Talk N Text noong Biyernes.

Kasi nga, feeling ng karamihan ay makakaulit ang Tropang Texters sa Llamados na ginulpi nila, 87-76 no­ong Oktubre 6. E hindi nga ba’t patuloy na nami-miss ng Llamados ang mga big men na sina Kerby Raymundo, Marc Pigris at Rafi Reavis na pawang nagpapagaling pa buhat sa injuries?

Sa kabilang dako, kahit na hindi din nakapaglalaro si Ranidel De Ocampo at parang matindi ang Tropang Tex­ters. Oo’t napatid ang kanilang three-game winning streak nang sila’y ma-upset ng Rain or Shine (95-93) noong Oktubre 20. Pero dagli naman silang nakabawi buhat sa pagkakadapang iyon nang tambakan nila ang Powerade (108-89) at Fiesta Conference champion Alas­ka Milk (93-83) upang makasabay sa pangunguna ang San Miguel Beer sa kartang 5-1.

Pero nabigo nga ang Talk N Text na makaulit sa B-Meg Derby Ace.

At ang naging susi sa tagumpay ng Llamados ay ang pagsingasing ng mga guwardiyang sina James Yap, Peter June Simon at Jonas Villanueva.

Sa ngayon kasi’y doon muna humuhugot ng lakas si George Gallent na humalili kay Paul Ryan Gregorio bilang head coach ng B-Meg Derby Ace.

Si Yap, ang reigning Most Valuable Player ay nagtala ng 24 puntos, dalawang rebounds, dalawang assists at isang steal sa 41 minuto. Si Simon ay nagdagdag ng 23 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists sa 39 minuto. Si Villanueva, na nakuha ng Llamados buhat sa San Miguel Beer bago nagsimula ang season, ay nagtala ng 17 puntos, dalawang rebounds at dalawang assists sa 22 minuto. Ang tatlong manlalarong na­banggit ay nagtulong para sa sampung three-point shot conversion.

Pero higit dito ay makikitang nakalamang ang Lla­mados sa Tropang Texters sa rebounding department, 46-43.

Tuloy, nasabi ni Galent na kapag maganda ng ipi­napakita ng big men ng B-Meg Derby Ace sa shaded area, nagkakakumpiyansa ang mga guwardiya na tumira sa labas.

Noong nagsimula kasi ang season ay medyo andap na tumira sa labas ang Llamados dahil nga baka hindi nila makuha ang rebounds kapag nagmintis sila. Iba ka­si ang kumpiyansang naibibigay nina Raymundo, Pingris at Reavis.

Pero nang lumaon nga’y nag-step up din naman sina Rico Maierhofer, Jondan Salvador, Don Allado, Rommel Adducul at Jerwin Gaco na nagpatunay na kaya din naman silang sumabay sa big men ng ibang teams.

At dahil dito’y maraming outside shots na ang gi­na­­gawa ng Llamados. Kumpiyansa na sila na kahit mag­mintis sila’y makukuha ng kanilang big men ang rebounds.

At heto ang magandang balita. Sa susunod na ling­go ay magbabalik aksyon na si Pingris. At sa unang ling­go ng Disyembre ay si Reavis naman ang lalaro.

Aba’y lalong tatatag ang gitna ng Llamados.

Lalong magkakakumpiyansa ang mga shooters.

 
  • Page 1 of 1
  • 1
Search:

Copyright MyCorp © 2025

Free web hostinguCoz